
Sa trailer pa lang, talagang gusto na namin mapanuod yan ni Beib ng magkasama. Bago man lang kami magkahiwalay..kasi pupunta na ako ng Baguio sa Saturday. :( Para kasing nakakakilig si Coco Martin at Angeline Quinto dyan e. :”>
Mamaya, mapapanuod na namin yan. Yey. <3
Why? Because one person can make or break your day. They have the ability to make you smile, laugh, and even cry. One person can have so much to hold over me. I’m vulnerable. And for me that’s a scary position to be in. That’s before. But i chose to be committed now. Simply because I’m happy and I’m so lucky to be loved by the person I love.
(Source: ileimylovetoyou)
(Source: ileimylovetoyou)
Kung sa mahal mo, talagang mahihirapan ka. E kung landi-landian lang at pampalipas oras, walang kahirap-hirap sayo ang mag move-on.
Isang rason kung bakit mahirap mag move-on ay dahil uulit ka nanaman sa umpisa. Back to start. As in blangko. Mawawala na yung mga nakasanayan mo. Magiging iba na yung taong nasa paligid mo. Ibang tao na yung makikita mo. Mahirap, kasi ito yung time na magpapaalam ka na sa taong minahal mo. Yung pinagbuhusan mo ng oras/panahon. Yung minahal mo ng sobra. Tapos bigla nalang mauuwi sa hiwalayan ang lahat. Na sa umpisa ay hindi mo aakalaing hahantong sa ganun. Ang mahirap pa sa pag mo-move on, kaya mong kalimutan yung feelings na nararamdaman mo dun sa tao, pero yung mga ala-ala. Yung mga ala-ala na bumabalik sa memorya mo. Na tuwing sumasagi sa isip mo, e unti-unting ikinadudurug mo.
(Source: ileimylovetoyou)
RF: Na-adik din ako kay Bieber nung kabataan ko.. (Kabataan ko talaga?)
HAHAHHA. Pero ngayon hindi na. Single kasi ako nung mga panahon na yon at sobrang pinagpapantasyahan ko siya. Hindi na ko kinikilig ngayon sa kanya hindi katulad dati, kasi may bago ng nagpapakilig sakin ngayon. At yun ang boyfriend ko.
K. dami kong sinabe.
Sa darating na pasukan, hindi ako nalulungkot dahil babangon nanaman ng maaga, makikisama sa mga taong hindi ko kakilala, makikisama sa mga bagong teacher, haharapin nanaman ang libro at marami pang hirap na pagdaraanan ng isang kolehiyala. Handa akong harapin ang mga yun. Ang ikinalulungkot ko, ang pagkalayo ko sa mahal ko. Dahil hindi ako sanay na masyado kaming malayo sa isa’t isa. Pakiramdam ko sa ibang bansa ako pupunta kahit Baguio lang naman. Hindi ako sanay na isang text ko lang na umuwi siya, hindi siya magdadalawang-isip na uwian ako. Pero ngayon iba na, hindi nya na magagawang puntahan ako kung nasaan man ako. Oo alam ko distansya lang to. Mas matimbang ang “love” kaysa sa distansya. Pero iba kapag kasama niyo ang isa’t isa. Siguro nga, maganda rin ito dahil pag nagkita kami ulit, maipaparamdam namin ang pagkamiss namin sa isa’tisa. Sabagay hindi naman na bago ito samin. Dahil nung isang taon, e ganito din ang setup namin, “long distance relationship.” Pero kinaya naman namin kaya hanggang ngayon kami parin. Alam ko makakaya ko, ang hindi ko makakaya yung mamiss siya ng sobra. Buti nga at hightech na ang technology ngayon at may ibat-ibang paraan para makita natin yung mahal natin sa buhay kahit malayo sila satin. Siguro hanggang skype nalang muna kami. Kailangan namin magsakripisyo. Para rin naman saamin to. Matagal pa kami bago magkita nyan. after 5 months? As in, WTF? huhuhuh. Basta ngayong magkakalayo kami, hindi ko muna siya aaway-awayin. Mahirap na baka ipagpalit ako. Marami pa namang mas maganda at sexy sakin sa Manila. Mehehhe. ~~ Basta kakayanin namin to. Malalagpasan din namin to.Tiwala lang!
Distance is only a test how far love can travel.
(Source: ileimylovetoyou)
Ano ka ngayon? Hintay ka ng hintay. Anyare? NGA-NGA!

